Ang tunay na world domination

Officials in protective suits check on an elderly man wearing a facemask who collapsed and died on a street near a hospital in Wuhan on Thursday [Hector Retamal/AFP]
Mga opisyal na naka-protective suit na sinusuri ang isang nakatatandang lalaki na nakasuot ng facemask na nag-collapse malapit sa isang ospital sa Wuhan/ Officials in protective suits check on an elderly man wearing a facemask who collapsed and died on a street near a hospital in Wuhan on Thursday [Hector Retamal/AFP]
Optimistiko si Slavoj Zizek sa future ng Tsina sa kanyang artikulong “My dream of Wuhan” na lumabas sa Welt. Ako rin.

Bukod pa sa mga sinabi niya sa artikulo, umaasa ako na magsisikap pa lalo ang Tsina na makuha ang loob ng komunidad ng mga bansa sa responsableng ehersisyo ng cultural capital at iba pang uri ng soft power. Halimbawa na rito ang ugnayang organiko sa pakikipagkalakan na nakatala sa kasaysayan ng Timog-Silangang Asya. Kinamumuhian sila ng mundo dahil sa kasulukuyang gobyerno nilang nagpapautang ng sobrang tubo, na nanghihimasok sa mga Exclusive Economic Zones, na hindi nakikilahok sa mga internasyonal na tratado sa karapatang-pantao na kanila mismong nilagdaan. Hindi rin nakakatulong na ang tingin sa kanilang mga mamayan at turista ay mga hindi sibilisadong dayuhan na nakikipag-usap lamang sa kanilang mga sariling lungga. Dulot ito ng mga viral videos na verified man o hindi ay kumakalat na mabilis pa sa nCOV. Of course, alam ng kahit sinong nakakaintindi na hindi ito tunay na representasyon ng Tsina.

Bukambibig ng aking kaklaseng naging iskolar doon ang husay ng Tsina at kanilang futuristikong pagtanaw. Sinagot ko siya na marami silang dapat matutuhan sa Amerika na sa kabila ng kawalang-hiyaan at pagwasak na kanilang dinala sa bahaging ito ng mundo ay minamahal at pinupuri ng ordinaryong mamayan. Nagpapaka-naive siguro ako sa pagkukumpara ng foreign policy ng Tsina at Amerika dahil bilang mamayan ng Third World, alam kong mas marami silang magagaling na iskolar at diplomat. Itotodo ko na dito ang pagka-naive: mas marami silang dapat matutuhan sa Pilipino. Kakaunti ang ating mga propesyonal na diplomat at iskolar sa politika pero kahit saan, ang tingin sa Pilipino ay kaibigan at masinop na manggagagawa na may kakayahang lumubog sa kultura ng kanyang kinaroroonan. Ito ang tunay na world domination, sa palagay ko. Na kahit saan ako magpunta, may magandang reputasyon akong minamana dahil sa mga kapwa Pilipinong nagpakita ng malasakit sa ibang bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Create a website or blog at WordPress.com