Konstitusyunal pero palpak ang pagdedeklara ng Martial Law

Marawi terrorists
MAUTE GROUP. Residents take photos of suspected members of the Maute Group from their house windows. Photo by Mohammad Manshawi (from Rappler.com). No copyright infringement intended.

Talagang bulag ang hustisya at tanging ebidensya at legalidad lamang ang tinitingnan. Maari nating igawad kay Pangulong Digong Duterte na legal ang kanyang pagdedeklara ng Martial Law. Legal man, dapat tayong mabalaan na hindi ibig sabihin na makatuturan at marapat itong ideklara dahil hindi ito sensitibo sa ala-ala ng bayan.

Hindi bulag ang kasaysayan.

Kasaysayan ang nagtuturo sa atin na walang naipanalong digmaan ang pagdedeklara ng Martial Law. Walang nasugpong kalaban ng estado dahil sa Martial Law. Dahil pa nga sa Martial Law, lalong tumapang at dumami ang mga kalaban ng estado. Marami ang mga dating humihingi lamang ng reporma ang naging radikal at umanib sa underground.

Hindi ako sang-ayon sa teorya na maaring “ilimita ang Martial Law sa Marawi o sa Mindanao”. Ang Martial Law ay idinedeklara lamang ng Pangulo na nanganganib sa isang rebelyon o pag-atake ng dayuhang kalaban. Samakatuwid, sa pagdedeklara nito, inaamin din ng pangulo na hindi kaya ng kanyang regular na kapangyarihan at ng Hukbong Sandatahan ang puwersa at banta ng rebelyon o pag-atake. Bakit idedeklara ang Martial Law kung hindi naman buong bansa o ang luklukan ng kapangyarihan ang inaatake?

Pagkakatiwalaan ba natin ang isang pangulo na praning? Magpapaputok na agad makarinig lang ng kaluskos sa damuhan? KUNG TUTUUSIN, walang nagawa ang Martial Law kundi hatiin ang opinyon ng bayan sa pagkilos ng militar sa Marawi. KUNG TUTUUSIN, Sinayang ni Pangulong Duterte ang ginintuang pagkakataon na pagkaisahin ang buong bayan laban sa mga terorista at paunlaring muli ang pabagsak na popularidad. Mismong si Solicitor General Calida ang nagsabi na walang binibigay na “bagong legal na kapangyarihan” ang Martial Law. Kung gayon, wala pala itong silbi. Sintomas lamang ng isang palpak na pamamalakad ng gobyerno at kamangmangan sa estratehiyang politikal.

Walang duda na dahil sa pagdedeklara ng Martial Law taong 2017, lalo lamang nating pinasikat ang mga teroristang pumuputakte sa ating bayan. (Narecognize tuloy ng ISIS) Hindi katanggap-tanggap ang mungkahi ng isang engot na huwes ng Korte Suprema “na ibalik ang kalis sa kaluban,” at “tumigil muna upang ilibing ang mga patay, at isantabi ang ating mga pagkakaiba”. Talaga namang isasantabi na ang pagkakaiba ng mga Dutertard at mga Dilawan, ng mga CPP-NPA at ng AFP, kung hindi lang sa pagdedeklara ng Martial Law.

Maigi kung naging mahusay ang militar at gobyerno sa pangangalaga ng karapatang pantao ng ordinaryong mamayan pero dahil nga sa palpak ang rekord ng militar kung kaya hindi natin sila dapat pagkatiwalaan ng labis na kapangyarihan at mismong AFP na ang nagsasabi na kahit walang Martial Law ay kaya nilang gawin ang kanilang trabaho.

Mababatid natin sa kasaysayan na ang karahasan ng Martial Law ay pinakamalala sa inosenteng sibilyan. Nagluluksa pa rin ang pamilya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law at nagtitiis sa baryang inabuloy ng mga nakaraang administrasyon at heto na naman tayo. Bakit sa administrasyon ni Digong Duterte pawang mga ugok na may amnesiya ang naluluklok sa puwesto dito sa ating bayan?

Higit sa katuwirang walang kuwenta at walang silbi ang Martial Law, higit sa katuwirang winaldas lamang nito ang salapi ng bayan at inaksaya ang oras ng Korte Suprema at ng taong bayan, (dahil talaga namang nasa kapangyarihan na ng pangulo na tawagin ang militar at labanan ang mga teroristang ito), ang pagtutol ko sa Martial Law ay nasa katuwirang kinakalmot lamang nito ang mga sugat ng nakaraan na sana’y matagal nang pinaghihilom ng isang sambayanang natuto na sa mga leksyon ng Kasaysayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s