I’m Drunk, I Love You (Jaime Habac, 2017)

screen-shot-2017-02-16-at-12-21-59-pm
Maja Salvador, Paolo Avelino and Dominic Roco take a road trip in I’m Drunk, I love you.

Pagkaraan ng maraming palpak at nasayang na pera sa takilya, kumawala na rin ang local romcom sa stigma na hindi sila mga seryosong pelikula. Kasabay halos nang pagkawala ng stigma na hindi masyadong entertaining ang mga indie movies.  Ehemplo ng tagumpay na ito ang ‘I’m Drunk, I Love You’ ni JP Habac na tungkol sa mahaba-habang paglalakbay at pag-ibig ng dalawang mag-best friends. Pareho itong seryoso at entertaining.

Madaling masabi kung bakit entertaining ang pelikula: Nagpapakilig, nagpapatawa, nakakarelate.

Sa lahat ng magandang pelikulang romcom mauungkat natin ang serious qualities sa ilalim ng veneer ng kumbensyon ng fast-paced editing at mala Pepsi Commercial na cinematography. Ito ang skeleton ng pelikula na kung sa ‘di seryosong pelikula ay lantaran nang sasabihin. Isisigaw na, ivivisualize pa.

Kasabay na nagcome-of-age ng mga tauhan sa pelikula ang genre ng romcoms. Hindi na nagfa-flashback! Kagaya nang hindi na pinakita ang backstory ni Dio at Pathy, basta’t kinuwento na lang sa isang napakasimpleng inuman o tapatan ng mga karakter. Nasa inuman ang buod ng conflict ng pelikula.

Maingat ang pagkakakumpuni ng mga detalye ng pelikula. Mula sa pagpapangalan ng mga karakter; Dio ang pangalan ng karakter ni Paolo Avelino, marahil mula kay Dionysus, ang diyos ng mga alak. Ang karakter naman ni Dominic Roco ay tinatawag na “Baks” at hindi “Beks” o “Bes”. Marahil dahil sa Bacchanalia, o Bacchus. Tama rin ang detalye ng pagkakasuot ng sablay. Hindi na-trap sa kumbensyon ng pagportray sa mga UP students bilang mga bohemyong aktibista o kaya’y mga nerdo na hindi makasabay sa agos ng trending. Sila’y mga confused individuals na nakikipag-deal sa katotohanang maaring hindi nga sila ganoon kagaling at maaring hindi nila makuha ang lahat sa tiyaga at pagpila nang matagal.

Magandang detalye rin ang guest appearance ni Jim Paredes bilang tatay ni Dio at sa makahulugang dialogue nila ni Maja. “Kailangan nating grumadweyt” Hindi kaya may kinalaman ito sa isang kanta ng APO Hiking Society? Inside Joke ba ito na tanging mga taga-UP at nakakaintindi sa ibig sabihin ng MRR lamang ang matatawa?

Benta rin ang jokes tungkol sa pangalan ng “ka-love triangle” ni Carson (Maja Salvador) na si Pathy (Jasmine Curtis). Running joke ang letrang “h” sa kanyang pangalan. Lalong nakakatawa nang igoogle ko ang ibig sabihin ng “Pathy” at ‘di ko maiwasang isipin na isa na naman itong inside joke.

Litaw na litaw ang parallelism ng road trip sa 7 years na pag-ibig ni Carson kay Dio kaya naman may kaunting kurot sa puso nang sabihin ni Carson na “Graduate na tayo.” sa huling inuman nilang dalawa ni Dio sa sarado nang Tomato Kick sa luma nitong puwesto sa Maginhawa.

Kung hindi ako nagkakamali sa Mini-stop Maginhawa bumili ng alak si Dio at Carson. Nakahanap rin ang kanilang pag-ibig ng metapora sa pagbili ng alak at pag-inom sa convenience store.

Talaga nga bang mas-espesyal ang babaeng huli mong hinahatid sa bahay? Napaisip ako sa significance na unang hinatid sa bahay si Pathy bago si Carson at sa pag-upo sa backseat ni Maja habang nasa shotgun seat naman si Pathy.

Masasabing ma-drama pero necessary ang breakdown ni Carson sa kanyang nanay na ginampanan ni Irma Adlawan. Kailangan magpakita ni Irma dahil indie movie ito, ‘di ba?

Maganda ring banggitin ang mga kahanga-hangang acting choices ni Dominic Roco. Pansinin ang kanyang multi-dimensional na reaksyon sa eksenang nireveal na may boyfriend pala ang kanyang naka-sex kinagabihan. Hindi simpleng galit kundi hiya na may kasamang lungkot at iba pa. Matalinong aktor ang nakababatang Roco kaya nabigyan niya ng lalim ang bestfriend na role na staple na sa tipo ng Star Cinema rom-com na usually ginagampanan ng isang bakla o baklang babae.  “Hindi siya Nikki Valdez, kundi Dimples Romana”.

Siya lang rin ang marunong mag-move on sa pelikula.

Hindi nga ba John Lloyd si Paolo Avelino? Tama. Mas guwapo kasi. Sa mundo ng rom-com, naging typification na ng “ordinaryo at sensitibong lalake” si John Lloyd. Iba naman ang dating ni Paolo Avelino, gumaguwapo habang mas matagal na tinitingnan at doon mo maiintindihan kung bakit nagpaka-gaga si Carson sa asshole na ito.

Sa tradisyon na pinanggalingan ng pelikula, maikukumpara ang ‘I’m Drunk I Love You’ sa out-of-town papuntang Sagada ni Mike De Leon sa “Kung mangarap ka’t magising” na may similar na happy ending pero hindi nagkatuluyan ang mga bida. “7 years, lagpas na sa MRR ‘yun” ay parang “Five years na siyang kasal, sampung semester din ‘yun” ni Joey sa ‘Kung mangarap..’

Naalala ko naman sa debosyon ni Maja Salvador kay Paolo Avelino ang pelikulang “Bona” ni Lino Brocka. Dama ko ang kanyang makapatid-hiningang paghiling na sana huwag munang lumabas si Pathy sa banyo para makapiling niya pa si Dio kahit limang minuto lang.

Hindi ko rin maiwasang maikumpara ang driving scenes ni Habac sa ‘Carpool’, isang ‘di masyadong kilalang short film ni Jerrold Tarog kung saan pinakita ang komplikadong relasyon at tensyon na nagaganap sa pagitan ng isang chickboy at kanyang chicks sa masikip na espasyo ng kotse.

Nabanggit ni Jaime Habac sa Young Star na hindi love story ang ‘I’m Drunk, I Love You’. At kahit nagpapakilig, hindi nga siguro kumbensyunal na pelikula ito kung saan narere-assure tayo na maaring magkukrus pa ang landas ng mga bida in the future.

Walang hint kung anong mangyayari sa love story ni Carson at Dio kundi temporary sanctuary sa isang saradong inuman. Sa likod ng kuwento, isang complicated na love story tungkol sa Quezon City at pagiging isang iskolar ng bayan;  isang anti-romcom para sa “ordinaryong millennial”. Sa kabila ng denial ng director,maalala ko ang simpleng depinisyon ng love story mula sa isang tanyag na manunulat: Tungkol ito sa pag-ibig ng dalawang taong hindi magkatuluyan.

Nag-alala ako na maaring masira sa dulo ang pelikula sa pagbabalik nito sa kumbensyon ng conflict resolutions at happy endings pero nagawa ni Habac na bigyan ito ng matalinong ending. Tapat na pagkukuwento ang huling eksena tungkol sa pag-ibig na kasabay nilang nagtapos sa pag-aaral. Ito ang pagpapaalam na pinipigilan pa sa walang katapusang “one for the road” habang solo pa nila ang isa’t isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s