Rachmaninoff sa pelikula

Rachmaninov: Symfonie no.2 op. 27
Radio Filharmonisch Orkest olv. Eivind Gullberg Jensen
3 oktober Concertgebouw Amsterdam

The Best of Sergei Vasilievich Rachmaninoff (1 April [O.S. 20 March] 1873 — 28 March 1943)

Napanood ko si Rene Requiestas nitong nakaraang lingo na sumisipol ng isang pamilyar na melodiya. Ang pelikula: isang comedy ni Ishmael Bernal at ang kanta: “The man I love” ni Gershwin. Ibang klaseng komedyante talaga siya.

Sa kabila ng sinasabing pagiging tanga ng mga awiting nako-compose ngayon, lalo lamang akong namamangha sa husay ng mga musikero. Kung paano sila nakakalikha ng isang catchy tune o kung paano nagtutugma ang mga komplikadong nota at tipa sa isang awit. Maikukumpara ang hirap ng pagkompose sa pagkukumpuni ng isang complex mathematical problem. Mas lantad ang husay na ito sa mga kontemporaneoung musikero na nagbibigay ng bagong buhay sa mga piyesang klasikal.

Napakilala ako kay Rachmaninoff dahil kay Frank Sinatra. Sa isang eksena sa musikal na ‘Anchors Aweigh’ tinugtog niya ang isang bahagi ng simponiya blg. 2 sa piano. Habang pinakikikinggan ang pangalawang galaw ng naturang simponiya bigla kong natunugan ang isang pamilyar ni awit, ang “Never gonna fall in love” ni Eric Carmen na sumikat noong 1970s. Sa isang movement naman, ang kantang “All by myself”.

Nalaman ko rin na ang simponiya ni Rachmaninoff din ang ginamit sa isang OST ng pelikulang ‘Birdman’.

Kilala si Rachmaninoff, isang musikerong Ruso,  bilang pinakamahusay na pianista ng kanyang panahon, kabilang sa mga huling kinatawan ng Romanitisismo sa Russian classical music.

May impluwensiya nina Tchaikovsky, Rimsky-Korsakov, at iba pang Rusong compositor ang kanyang mga unang likha pero nagbunga ang impluwensiyang ito ng ng isang personal na estilo na kapansin-pansin dahil sa kanyang mala-awit na melodiya, ekspresibo, at mayaman sa orkestral na kulay. Prominente ang mga tipa ng piano sa mga komposisyon ni Rachmaninoff, at dahil bihasa sa pagtatanghal, nabigyang-buhay niya ang maraming damdamin na maaring ipadanas ng instrumento.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s