Sa flight MH17

Ayaw niya nang ulitin ang kanyang sarili. Ni ayaw niyang balikan ang airport o ang destinasyon na kanyang nalapagan. Ayaw niyang sumakay muli sa eroplano at baka magkataong masakyan niyang muli ang eroplanong iyon. Sa ganitong paraan lamang niya masisigurong hinding-hindi na siya babalik sa kanyang pinanggalingan. Pabalik sa siyudad, sa avenida, sa café kung saan may malaking banyong napapalamutian ng mga nakaukit na rebulto at kung saan sila naglunod sa alak at huling nag-usap.

Nilalang siya na pinakikilos ng ritwal. May ritwal siya sa kanyang apartment. Kakain ng Dulce de Leche sa panaderia malapit sa estasyon ng bus, cappuccino na may dalawang Splenda, laging nakaupo kaharap ang Plaza Santa Ana, French Onion soup sa isang kaswal na French Restaurant sa Broadway tuwing Sabado. Isang pelikula kada linggo at saka grocery para bumili ng tinapay at itlog. Sa opisina, isang Turkey Sandwich every other day isang oras pagkatapos ng opisyal na lunch break. Nanginginig na siya dahil may tatlong araw na siyang walang makuhang wifi signal at wala ring nagtetext sa kanya. Para siyang inabandona sa isang isla. Bakit di niya tingnan ang mga patalastas sa classifieds para maghanap ng trabaho. Para maisip lamang ang mga bagay na maaring mangyari sa oras na iyon. Lahat ng oportunidad na na maaring mangyari nang hindi niya nalalaman.

May kutob pa rin siya na, pagkatapos ng maraming taon ng pagbubukas ng bintana at paglilimita ng view, mga nahuhulog na karakter, mga guhit para sa input at output. Sa paghahanap at paglimot. Sa kabila nito, yun pa rin ang pakiramdam tulad ng dati sa mundo ng mga incoming messages, ng forwarding, ng bccs at links, ang posibelidad na bubuti at mas laganap kaysa sa totoong buhay. Kaysa halimbaawa sa eroplanong ito na patungo sa London mula Abu Dhabi. Nakita niyang humihiwa sa kumot ng mga bituin . Dito sa lugar na naglalakbay, gumagalawa, na nakikipagunahan sa gabi, bumubuo ng komunidad ng mga tao na may iisang origen at iisang destino, isang pook para tulugan. Isang bagong frame of reference. Yung madaling maintindihan. Hindi tulad ng wifi-signal.
Kapag nagserve na ng hapunan sa mga microwavable na pakete ng tulak tulak ng mga stewardess sa kanilang food tray. Pagkatapos ihihiga niya na ang upuan, magpapasalamat sa pag-iisa, at iisipin ang pagbiyahe niya sa TGV, ang ilog ng Spree sa Berlin, at ang katotohanang maaring iniisip rin siya ng binatang nakilala doon.
Imbis na kabahan sa turbulence, naging kampante siya. Hinawi niya ang window shade at nakita ang dilim, malayo sa mundo at mas malapit sa buwan, inisip niya ang salitang bahay at kung maari ba itong itawag sa kanyang sinasakyang eroplano.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s