Elipsis

Anuman ang sabihin mo, nadulas at nadapa ka nung nakita mo ako, at nahuli kitang nanghuhuli ng tingin sa akin. Ginising ka ba ng alaala ng ibang tao, o ng ibang panahon, o ng ibang lugar? Tayo ba’y nagging alaala na lamang ng mga taong nakalimutan na natin? Ikaw, talipandas ka talaga, kumekembot pa rin ang beywang mong gumuguhit ng isang elipsis sa tile na sahig, elipsis ng pagkabitin at hindi ng pagkawala, pinalilibutan nito ang aking pangungusap. Kaya kita natagpuan. Leche. Ang dulas mo kasi, kung kalian kita maabutan, saka ka naman aalis. Palipat-lipat ka, parang manlalakbay na nagaabang ng connecting flight sa isang siyudad na hindi ka pamilyar. Sa Heathrow nga ba? Kahit ano pa, hindi rin naman kita mahahabol. Hindi ka naman naligaw o tuluyang umalis dahil lahat ng elipsis ay mayroon lamang gusting itago. Mga salitang hindi na kailangang sabihin, hindi dahil walang kabuluhan, kundi masyadong mabibigat. Paano ang dialogue natin kung panay tatlong tuldok sa blangkong papel lamang? Puro pregnant pauses ng pambibitin. Panay buntong-hininga, panay titigan nang mata sa mata. O baka naman ang ibig sabihin ng elipsis ay infinity? Walang katapusan dahil hindi nakapaloob sa mga saknong; mga limitasyon ng salita. Ang nangyari sa atin ay ninuno pa ng wika dahil sa huli nariyan lamang ang katotohanang sinulyap mo ako at hinarang ko ng buong buo ang sulyap na iyon. Noong una’y walang ibig sabihin ang mga elipsis, pananda lamang ito sa isang bahay na hindi maitatakda o maitatanda. Pero nabunyag rin at nagging payak ang ibig sabihin nang mabuod ng isang halik ang tatlong tuldok na nakabitin sa pagitan natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s